lu live filmfest results, animation atbp.

napadaan ako sa blog ni ginoong wauks at nabasa ko ang ilang mga komento na hindi maganda tungkol sa mga nanalo at ilang mga komento ng mga tao kung sino daw dapat ang mga nanalo sa lu live filmfest na isang side event sa level up live 2008, na nangyari noong oct 18 at 19 sa world trade center.

pinanood ko ang tatlong mga nanalo sa youtube at pati narin ang ibang hindi naman pinalad na makapasok sa top 3 winners

saludo ako sa mga ginawa nila , dahil alam kong bawat isa sa mga sumaling ito ay nag lagay ng “effort” sa kanilang mga gawa, naglaan din sila ng oras para makagawa at makasali, kahit in game capture lang ang iba, may effort parin na inilaan doon ang mga gumawa nito.

alam mo ba na parang isang mirakulo (miracle) para sa isang tao ang gumawa ng film o animation ?

isipin mo nalang na ang karamihan ng mga tao kapag walang ginagawa  ay kung hindi nanonood ng tv maghapon, naglalaro ng online games magdamag, nagsusugal, umiinom, gumigimik o natutulog lang buong araw  sa bahay nila. .

at may isang tao o iilan na nilalang na gumagawa ng animation o film para mapanood nung mga klase ng taong una kong nabanggit.

para kasi sa isang animator or film maker at sa iba pang kahanay ng ganitong larangan; amateur  ‘man , professional o abnormal

BABALA: Mahabang Babasahin

manalo ka man o matalo sa isang film fest katulad nito , may isa lang maka appreciate ng gawa mo, isang malaking kasiyahan na yun para sa iyo, at nagiging dahilan rin yun para pagpatuloy mo pa yung ginagawa mo at pagbutihin pa lalo sa susunod

katulad na lang ng paggawa ko ng comic strip sa blog na ito,  walang bayad to, wala ring nagsasabi na gumawa ako nito, pero kahit na magkaganon pa man , gumagawa pa rin ako dahil may nakaka appreciate ng gawa ko

marami mang tao ang  mainis at makornihan , may 1 lang matuwa … ako’y solb na ,          kasiyahan sa sarili ang aking nakukuha kapag may isang nilalang na natutuwa sa aking likha

there’s more to film making  and animation than winning ..

may ilang animation narin akong ginawa nung nakaraang taon na naisali ko sa iba’t ibang maliliit na animation competition sa internet, may nanalo at nagbigay sa akin ng mga libreng gadget, pera etc at mas marami lalo ang mga “natalo”

at sasabihin ko ng diretso sa inyo na may mga mas masahol pa ang kapangitan akong animation na nagawa bukod pa sa kendingkamias na nakikita nyo sa youtube,

masahol na talagang umani ng katakot takot na batikos mula sa mga dayuhan na nakatira sa iba’t ibang sulok ng mundo na nakapanood nito, dahil sa maling “engrish” ko,

oo wrong grammar o engrish kung tawagin,  na hindi ko na naman ipinagtanggol pa o ginawan ng excuse,kahit ang iba dito ay typo error lang at ang iba naman ay totoo talagang wrong grammar

hinayaan ko at bahala na silang mag isip kung sinadya ko ba yun o hindi, na totoo namang may nag iisip ng ganito sa kanila, akala talaga nung iba na sinadya ko yung gawin dahil sinabi kong isa iyong experimental animation.

hinayaan ko rin sila dahil… nakita kong mas higit naman ang dami ng nakaappreciate nito kaysa sa mga bumatikos,

iyon ang  pinaka unang animation na isinali ko sa isang competition na ginawa ko noong mga unang buwan ng 2007, isinali ko sa isang maliit na animation competition sa internet , syempre hindi nanalo, pangit e 😀 isinabmit ko muli bago matapos ang taong 2007 sa isa uling animation competition sa internet dahil ayaw ko ng gumawa ng bago at doon na nagsimulang dumami ang pagbatikos na natanggap ko

ok lang , dahil doon ako maraming natutunan, natuto ako sa mga pagkakamaling nagawa ko at natuto ako sa mga sinabi ng mga kritiko,

oo kritiko — hindi sila yung naninira o nambubuska ng gawa ng iba, sila yung nagsasabi ng totoo kung ano ang kahinaan ng animation na gawa mo kaya hindi ito  maganda sa paningin nila

nagbibigay sila ng payo kung  ano ang dapat na ginawa mo para mapaayos ito ,  para bang isang taong natawa sa pagka dapa mo pero tinutulungan kang makabangon sa pagkakadapa mong ito.

silang mga “kritiko” yung masasabi mong part of the “solution” dahil nagbibigay sila ng tulong at payo para mapaunlad mo yung kaalaman mo sa isang bagay, at yun namang iba ay yung mga masasabi nating part of the “problem” na idudukdok at ikikiskis ka sa semento at sasabihing huminto ka na sa animation dahil pangit ang gawa mo at wala kang kwentang tao.

marami din akong dayuhang may ganyang ugali na nakasalamuha sa maliliit na competition na ito,

sila yung may mga komento na  masasabing nakaka discourage , imbes na maka encourage

—-

nag aaral parin akong mag animate ng maayos magpasa hanggang ngayon, hindi ako professional o may pinagdaanang training para matuto nito, isa lang akong hamak na taong nag self study mula sa basic na paggamit ng flash  na natutunan ko sa prof namin noong college.

alam ko ang hirap ng paggawa ng isang animation at film , kaya malaki ang respeto ko sa mga ito.

ang sarap ng pakiramdam kapag may nakakagusto ng gawa mo, at kapag may kritiko naman, tignan mo kung totoo yung sinasabi nito, kung may punto siya at mukhang totoo naman, tanggapin mo, at matuto ka dito, magpatuloy, wag ulitin ang pagkakamali, at pilit na ayusin pa sa susunod

pero kung wala naman laman o kwenta ang isang komento  tulad ng mga bagay na maaari mong kapulutan ng aral para mapagbuti mo pa ang ginagawa mo at sadyang panlalait na komento lang na  ginawa para pasamain  ang loob mo at sayangin ang ilang segundo ng buhay mo dahil sa pagbasa ng mga ito, wag mo nalang pansinin , at palagpasin na lang dahil masisira lang ang araw mo, walang maidudulot to sayo at wala kang mahihita dito.

maraming beses narin akong nakatikim ng pagkatalo sa mga ganitong competition, pero gumagawa parin ako,  mas malaki ang porsyentong pagturing ko sa mga animation competition bilang isang malaking training ground kung saan ang guro ko ay ang ekspiryensya (experience) para matuto at humusay pa at nakabaon sa kalikod likuran ng utak ko ang pagturing ko dito bilang isang contest kung saan dapat na may manalo at matalo,  bonus nalang yun kung manalo

masarap ang pakiramdam ng manalo lalo na kung alam mong karapat dapat ka  ,  pero minsan mas masarap yung underdog lang ang labas mo at hindi nananalo, pero gusto naman ng maraming tao yung gawa mo, kaysa sa nanalo ka nga pero sinusuka naman ng tao yung gawa mo.

laging yan ang iniiisip ko kapag natatalo yung mga gawa kong animation , tapos gagawa nalang ako ulit ng panibago, kung tumigil ako noon palang panahon na natalo ako, malamang hindi nako nakatikim ng iilang pagkapanalo.

yan nga pala ang epekto ng panonood ko ng “cars” ng disney at “meet the robinsons

isang animation na nagpapakita ng ganyang scenario, nanalo pero hindi tanggap ng karamihan at isang animation na nagsasabing “keep moving forward”  na magpatuloy ka kahit ano pang pagdaanan mong pagsubok at kahit ano pang sabihin ng iba na pumipilit magpahinto sa iyo sa ginagawa mo   😀       hehe

Get the latest updates delivered straight into your Email:

 

^ 3 Comments...

  1. Rome

    tama nga! 🙂 ang haba nun Kends. basta importante you gave it your all. Winner kana..

  2. Kending Kamias

    hahaha ang haba nga nito,
    salamat!

  3. Ygnal

    May mga taong sadyang hindi marunong magappreciate ng ginawa at pinaghirapan ng isang taong gustong malibang ang mga tao ._.

) Your Reply...

 

Video Games - Top Blogs Philippines Computer and Video Game Blogs - Blog Catalog Blog Directory Video Games Business Directory - BTS Local Blog Directory & Search engine blogarama - the blog directory Directory of Gaming Blogs

Advertisements