No Kending Kamias (Lu live 2008 filmfest) entry
(Tagalog ulit)
una sa lahat , hindi na ko makakasali sa level up filmfest 2008 dahil ngayon na ang deadline at wala pang boses ang animation at hindi parin kumpleto, at oo,
ito yung tunay na dahilan kung bakit di ako makapag update dito sa blog na ito,
pasensya na at nabigo ko kayo , lalo dun sa mga umasa at naghintay na may maipopost ako sa youtube na filmfest entry..
sa totoo sinimulan kong gumawa, mga unang linggo ng oktubre, pero bago iyon isa ring dahilan ng di ko pag update ng blog na ito ay dahil nagkasakit ako ng isang linggo noong huling linggo ng setyembre, bukod pa ‘ron ang iba ko pang ginagawa kaya hindi ko magawa ng whole day ang entry ko
gustuhin ko mang isali yung entry ko , hindi pa kumpleto at walang mag boboses dahil may sakit naman ngayon ang kapatid kong babae. na sya ring nagboses nung nakaraan, masagwa naman siguro kung ako magboboses hehehe
bumalik rin ang sakit ko at dalawang araw narin akong nilalagnat, kasama ng ubo at tumutulong sipon.
sasabihin mo na madami akong excuse no? pero lahat yan totoong nangyari at nangyayari, saksi dyan ang keyboard kong natutuluan ng aking sipon
ipagpapatuloy ko parin ang video na ginagawa ko, susubukan kong pagandahin , dagdagan, pahabain at ayusin, hindi ko muna ipapakita, isasali ko na lang next year nyahahaha
—
at kapag maayos na ang lagay ng katawan ko abangan nyo ang bumubuhos at umaapaw na mga update sa blog na ito
madalas na update ng mga comic strips (para mapabilis baka gawin kong black and white) pero ipopost ko parin kapag may kulay na.
marami pa kong binabalak ng ilagay sa blog na ito, nandyan ang mga kendingkamias mini flash games, xmas pacontest na mamimigay ng game load at mga kung ano anong items( kaya kung mayaman ka sponsor-an mo na ) , forum sig making section (igagawa kita ng forum sig o komiks style sig, at syempre libre!) at marami pang iba.
matutupad yang mga yan at hindi ko na kayo bibiguin tulad ng nangyari ngayon..

No related posts.



October 13th, 2008 at 11:21 am
awts, sayang kending
Galing mo pa naman gumawa ng mga video
October 14th, 2008 at 2:42 am
d ba pde extension? oks lang un kends.
October 14th, 2008 at 6:42 am
ok lang yan, salamat,
move on na tayo, try ko maglaro nung grand
chase pag bumuti buti pa pakiramdam ko,
mga nag-adik na yata kayo dyan sa ibang gc server e,
turuan nyo ko hehehe
October 14th, 2008 at 11:44 am
Adik sa grand chase si kending! woo! XD. Amp halos this month. hindi ako makapagblogging and makapaglaro ng internet T_T wala yata kami sem break T_T amp.
October 14th, 2008 at 12:46 pm
ba’t mo kasi nilalaro internet
hahahaha
October 15th, 2008 at 5:25 am
syang d ka umabot sa deadline ang orig pa nman nang mga drawing mo
walang laban yung mga ibang sumali na pang old school
ang video
hintayin ko prin yung video mo khit d nka sali ngyn
October 15th, 2008 at 6:04 am
salamat bro,
di ko pa nakikita yung mga entries ,
may list ba sa lu website?
October 15th, 2008 at 10:14 am
ay mali type ko XD. I mean “makapaglaro at makapaginternet”
October 15th, 2008 at 10:22 am
hahahaha