Level up live Cosplayer lumusot sa stage!

kaninang hapon, napagdesisyunan kong sulyapan at panoorin sandali ang live broadcast ng level up live sa kanilang website, nagkataon naman na natapat sa pagsisimula ng cosplay ang aking pagsilip, nagsimula ang cosplay competition sa isang sayaw mula sa mga kababaihang nakasuot ng gypsy outfit

pagkatapos nito ay nagsimula ng pakilala ng host ang pinaka unang cosplayer, ito ay pinakilala bilang isang professor from ragnarok, dumaan sya sa gitna ng stage at bumaba naman sa kanang bahagi nito,  pinakita na ang susunod na cosplayer,

isang medyo may kalakihang katawan na cosplayer, kinunan ng camera ang pag akyat nya sa entablado suot ang knight costume na makikitang parang hirap pa syang makakita dahil sa knight head gear na kanyang suot.

pumunta si cosplayer #2 sa gitna ng entablado malapit sa mikropono, ang view ng nakatutok na camera ay sa bandang gilid ng cosplayer #2

ng biglang…

naglaho parang bula ang cosplayer number 2 sa aking screen,

napakatagal ng naging pagrehistro sa aking utak ng aking nasaksihan,
nabigla yata ako sa nakita,

inisip ko pa na baka yung nakita ko ay kasama lang bilang gimik ni cosplayer #2,

ang natatandaan ko na lang, pumunta sya sa gitna ng entablado at ang sumunod na nakita ko ay isang butas na lang na entablado na nakunan ng camera, dalawang taong tumayo at sumilip sa butas na entablado na may 3 hanggang 5 talampakaan yata ang taas mula sa semento,

naputol ng panandalian ang cosplay at pinakita ang isang video galing level up games
na tungkol sa grand chase

maya maya pa ay itinuloy na ang cosplay competition at sinabi ng isang host sa mga tao na bigyan ng isang masigabong palakpakan ang cosplayer na nahulog dahil mabuti ay nasa ayos naman daw itong kalagayan.

may mga konklusyon akong binubuo sa aking isipan at ito ang mga sumsusunod:

marahil marupok ang pagkakagawa noong bahaging iyon ng  stage o hindi talaga iyong ginawa para tungtungan . .

o paniniwalain ko na lang ang sarili na  purong bakal at sobrang bigat yung armor nung knight  na nagcosplay kaya hindi nakayanan nung stage ,  kaya sya lumusot.

UPDATE – OCT 28

paglilinaw:

hindi inilagay ang video para bigyan ng lubos na kahihiyan ang cosplayer na nakatampok dito, napapag usapan lamang po ito at upang maiwasan narin ang mga ganitong klaseng aksidente sa mga susunod pang mga event.

may mga nagsabing tela lamang pala ang nakatakip sa bahaging iyon ng entablado, at sinabihan naman daw ang mga cosplayer na ito bago pumanik dito.

panoorin sa youtube ang buong pangyayari

Get the latest updates delivered straight into your Email:

 

^ 9 Comments...

  1. S P Y

    sbi sa ragnaboards tela lang yung part nang stage na kinahulugan nung nag
    ccosplay… wag daw tapakan.. bka d napansin na yun pla yung sinasabing
    tela lang kaya yun pasok…

  2. Kending Kamias

    naku tela lang pala yun..

    sa pagkakaalala ko tumungtong din yung isa sa mga nag sayaw doon bago nagsimula yung cosplay

  3. S P Y

    try mo tignan yung ragnaboards d ko lang matandaan
    kung saang thread lahat ksi tinignan ko pra sa mga pics eh
    sa basa ko lang dun hehe

  4. Kending Kamias

    sige hehe

  5. Justin

    kendi.. ala pa ba komiks?

  6. NegiSpringfield

    Akala ko nga magic yun e o_o biglang mawawala at biglang babalik O.O tapos yun pala lumusot haha!

  7. Kending Kamias

    @Justin

    wait lang, baka ngayon ko lagay

    @NegiSpringfield

    nagulat talaga ko dun hehe

  8. S P Y

    may video pa kaya nung nahulog?
    kendi nice comics hehe

    hintay ko yung video mo hehe

  9. Kending Kamias

    thanks,

    di ko sure kung nakarecord ba yung live streaming
    nung video na yun sa level up live website

) Your Reply...

 

Video Games - Top Blogs Philippines Computer and Video Game Blogs - Blog Catalog Blog Directory Video Games Business Directory - BTS Local Blog Directory & Search engine blogarama - the blog directory Directory of Gaming Blogs

Advertisements